Pugay Tagumpay: Pagkilala sa Tagumpay ng mga Pamilyang Benepisyaryo ng 4Ps
- Jul 16
- 1 min read

Isang makabuluhang yugto ng tagumpay ang ipinagdiwang sa ginanap na 'Pugay Tagumpay – 4Ps Beneficiaries' Graduation Ceremony na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office, na idinaos nitong Hulyo 15, 2026 sa Taytay Municipal Hall Atrium.
Ang Pugay Tagumpay ay isang pagdiriwang ng mga pamilyang, sa pamamagitan ng kanilang sipag, tiyaga, at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan, ay nakamit ang mas matatag na pamumuhay at naging handa nang tumayo sa sariling kakayahan.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Dinaluhan nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, at mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan ang nasabing programa bilang pagpapakita ng suporta at pagkilala sa mga pamilyang matagumpay na nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Patunay ito na ang sama-samang pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad ay nagbubunga ng tunay at pangmatagalang pagbabago sa buhay ng bawat pamilyang Pilipino.
Congratulations at patuloy na makikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa mga programang nagbibigay ng pag-asa, oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa bawat Taytayeño.






































































Comments