top of page

Project TAHI: LGU Taytay at DENR-ERDB, Lumagda sa Kasunduan para sa Mas Sustainable na Pamamahala ng Textile Waste

Oct 13
2 min read

Updated: Oct 15

Project TAHI MOA Signing Ceremony
Courtesy: Taytay Public Information Office

Taytay, Rizal --- Pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal at ang Department of Environment and Natural Resources – Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB) para sa pagpapatupad ng 'Project TAHI'.

Pinangunahan ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA kasama ang 13th Sangguniang Bayan, at si Municipal Environment and Natural Resources Officer Ms. Lyric Jo Dagandan ang panig ng Pamahalaang Bayan sa naturang kasunduan. Dumalo rin sina ERDB Director Lormelyn E. Claudio, CESO III at Ms. Lynlei L. Pintor, PhD - Chief of the Urban Ecosystem Research Division ng ERDB.

  • Courtesy: Mayor Allan De Leon
  • Courtesy: Taytay Public Information Office

Courtesy: Taytay Public Information Office and Mayor Allan De Leon

Ang Project TAHI ay isang proyekto na naglalayong masuri ang daloy ng textile waste at makabuo ng mga angkop na hakbang tungo sa mas sustainable na pamamahala ng mga basurang tela. Sa pamamagitan ng inisiyatibong ito, layuning matukoy kung saan napupunta ang mga basurang tela, gaano karami ang nalilikha, anu-ano ang mga daluyan nito, at kung saang mga lugar nagkakaroon ng hindi wastong pagtatapon ng mga ito.

Mahalaga ang assessment na ito upang makapaglatag ng mga data-driven decisions, makabuo ng mga angkop na polisiya at intervention, at makapag-develop ng isang strategic roadmap para sa circular economy approaches na magtataguyod ng pagbawas sa textile waste at mas responsableng paggamit at pamamahala ng mga materyales.

Bilang Garments Capital of the Philippines, mahalaga ang hakbang na ito sa pagsusulong ng mas makakalikasan at sustainable na kinabukasan para sa Taytay, kung saan ang pag-unlad ng industriya ay kaakibat ng pangangalaga sa kapaligiran.

Sama-sama para sa mas malinis, mas luntian, at mas maka-kalikasang Bayan ng Taytay!

header-website.jpg
bottom of page