top of page

Plaque of Recognition: Patunay ng Dedikasyon ng Taytay MDRRMO

  • Jan 29
  • 1 min read
Plaque of Recognition: Patunay ng Dedikasyon ng Taytay MDRRMO.
Courtesy: Taytay Publc Information Office

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal ang pagkakaloob ng Plaque of Recognition mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) – Office of Civil Defense CALABARZON, na tinanggap ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa ginanap na "Thanksgiving and Recognition Ceremony for Local Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Councils, Officers, and Stakeholders."


Ang parangal na ito ay pagkilala sa tapat na serbisyo, matibay na paninindigan, at kapuri-puring mga nagawa ng ating Pamahalaang Bayan bilang isang Validated Local Government Unit, sa kabila ng iba’t ibang hamon ng sakuna sa ating bansa.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Sa naturang seremonya, binigyang diin nina Office of the Civil Defence (OCD) Chief of Staff, Assistant Secretary Cesar Idio, CESO V at OCD - CALABARZON Regional Director Carlos Eduardo Alvarez III ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga Civil Society Organization, at miyembro ng pribadong sektor para sa mas maagap at epektibong pagtugon sa kalamidad.


Ang parangal na ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap, sakripisyo, at dedikasyon ng ating mga kawani, katuwang na ahensya, at ng buong pamayanan sa patuloy na pagtataguyod ng kahandaan, kaligtasan, at katatagan ng bawat Taytayeño sa oras ng sakuna.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page