top of page

PhilHealth YAKAP Program Orientation & ID Distribution

PhilHealth YAKAP Program Orientation & ID Distribution in Taytay, Rizal.
Courtesy: Taytay Public Information Office

Isinagawa nitong Hulyo 31, 2025 ang PhilHealth YAKAP Program Orientation at Distribution of Karapatan I.D. Card sa San Juan Gymnasium, sa pangunguna ng PhilHealth-Rizal at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Taytay.


Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng pamahalaan na mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa mga mahihirap at vulnerable na sektor ng lipunan. Sa ilalim ng YAKAP Program ng PhilHealth, layunin ng programang ito na tiyaking may sapat na proteksyong medikal ang bawat Pilipino sa oras ng pangangailangan.


Dumalo sa aktibidad sina Vice Mayor Jan Victor Cabitac, Councilor Joan Calderon at Councilor JV Valera, PhilHealth Rizal Head Mr. Gabriel Dante T. Rodulfo, Cluster 1 Head of DSWD Pantawid Mr. Benjie Reboso, Beneficiary Data Management Officer Ms. Sahlee DV. Cruz, kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Sa naturang programa, personal na ipinamahagi ang mga PhilHealth Karapatan I.D. Cards sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Kalakip nito ang isang orientation session kung saan ipinaliwanag ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng PhilHealth, kabilang na ang mga serbisyong maaaring ma-avail, mga proseso ng pag-claim, at ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa Universal Health Care program ng bansa.


Patuloy tayong umaasa na mas marami pang Taytayeño ang makinabang sa mga serbisyong hatid ng PhilHealth, bilang suporta sa adbokasiya ng gobyerno na ang kalusugan ay karapatan ng bawat isa.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page