top of page

PESO - Taytay's Endorsement and Orientation for Special Employment of Senior Citizens

Oct 5
1 min read
Endorsement at Orientation para sa Special Employment for Senior Citizens
Courtesy: Public Employment Service Office - Taytay, Rizal

Isinagawa nitong nakaraang Oktubre 1, 2026 ang 'Endorsement at Orientation para sa Special Employment ng Senior Citizens' sa pangunguna ng Public Employment Service Office ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal, katuwang ang Jollibee - SM City Taytay, Jollibee - Tikling, Greenwich Taytay at Chowking SM City Taytay.


Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga senior citizens na muling makibahagi sa hanapbuhay at magkaroon ng dagdag na pinagkukunan ng kita habang patuloy na naipapakita ang kanilang kakayahan, karanasan, at patuloy na maging aktibong bahagi ng ating komunidad.


  • Courtesy: Public Employment Service Office - Taytay Rizal
  • Courtesy: Public Employment Service Office - Taytay Rizal
  • Courtesy: Public Employment Service Office - Taytay Rizal
  • Courtesy: Public Employment Service Office - Taytay Rizal

Courtesy: Public Employment Service Office - Taytay Rizal


Ipinakikita rin ng inisyatibang ito ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga senior citizen bilang mga indibidwal na may malawak na karanasan, kaalaman, at kakayahang mag-ambag sa pag-unlad ng komunidad. Sa halip na ituring ang edad bilang hadlang, binibigyang-diin ng programa na ang sipag, dedikasyon, at kakayahan ay nananatiling mahalagang puhunan sa anumang larangan ng trabaho.


Isang inklusibong programa na nagpapatunay na sa Bayan ng Taytay, hindi hadlang ang edad o kakayahan para makapag-ambag, makapaglingkod, at makamit ang tagumpay.

header-website.jpg
bottom of page