top of page

PDAO Special Assessment Day

  • Sep 23, 2025
  • 1 min read
Special Assessment Day for PWD
Courtesy: Taytay Public Information Office

Sa pagpapatuloy ng Special Assessment Day ng Person with Disability Affairs Office (PDAO) sa bawat barangay ng ating bayan, Barangay San Juan naman ang tinungo upang personal na umalalay sa mga katanungan at aplikasyon ng ating mga kababayang PWDs.


Layunin ng programang ito na mas mapadali ang proseso ng pagkuha ng mga kinakailangang dokumento at serbisyo para sa mga Persons with Disability, nang hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo. Sa pamamagitan ng direktang pagpunta ng PDAO sa mga barangay, naihahatid nang mas mabilis at maayos ang tulong at impormasyon na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.



Courtesy: Persons with Disabilities Affairs Office - Municipality of Taytay


Patuloy ang pamahalaang bayan sa pangunguna ng PDAO, sa pagsusumikap na maabot ang bawat PWD upang matiyak na walang maiiwan sa pag-unlad at lahat ay may pantay na pagkakataong makinabang sa mga programang inilalaan para sa kanila.


Maari ninyong bisitahin ang Facebook Page ng Persons with Disabilities Affairs Office - Municipality of Taytay para sa katanungan at updates.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page