PCSO Namahagi ng Tulong sa mga Pamilyang Apektado ng Habagat sa Taytay
- Taytay, Rizal
- Jul 25
- 1 min read
Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagtugon sa mga apektadong mamamayan ng patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, namahagi ngayong araw ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng kabuuang 207 food packs para sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha sa bayan ng Taytay.
Pinangunahan ni PCSO Director Janet De Leon Mercado ang relief operation, katuwang ang Nineteen Aces Gaming and Amusement Corp. at ang PCSO Rizal Branch, na naghatid ng tulong sa ilang evacuation centers sa ating bayan.
Ang pamamahagi ng food packs ay isinagawa sa:
- Hapay na Mangga Elementary School
- Casimiro Ynares Sr. Memorial National High School
- Simona Covered Court
- Muzon Covered Court
Ang inisyatibong ito ay naglalayong magbigay ng agarang suporta sa mga residenteng pansamantalang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa malawakang pag-ulan.
Maraming salamat po PCSO at Director Janet De Leon Mercado, at mga katuwang na organisasyon sa walang sawang pagtulong sa Bayan ng Taytay. Tunay na damang-dama ang malasakit at ang serbisyong
"Hindi Umuurong sa Pagtulong" para sa mga Taytayeño.
















































Comments