PAWtektado: Taytay Kontra Rabies Bakuna Express
- Taytay, Rizal
- 2 days ago
- 1 min read

Inihahandog muli ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa pamumuno ng ating Mayor Allan Martine De Leon, MPA, kasama ng Barangay San Juan sa pamumuno ni Kapitan Roseller Valera, at sa pamamagitan ng Taytay Agriculture Office, ang PAWtektado: Taytay Kontra Rabies Bakuna Express.
Magsisimula ang apat (4) na araw na bakuna express mula 9:00 AM hanggang 11:00 AM at bukas ito para sa lahat ng aso at pusang malapit sa mga nabanggit na mga lugar:

Ang maaari bakunahan ay ang mga sumusunod:
1. Tatlong (3) buwan pataas ang edad na aso o pusa.
2. Hindi nakakagat sa nakalipas na dalawang (2) linggo.
3. Walang sakit o gamutan sa nakalipas na dalawang (2) linggo.
4. Lagpas isang (1) taon na mula ng mabakunahan ng anti-rabies.
Paalala:
1. Paliguan muna ang aso o pusa bago bakunahan dahil limang (5) araw silang bawal paliguan pagkabakuna.
2. Dalhin ang vaccination record kung mayroon.
3. Inirerekomenda na kompleto na sa bakuna na 5-in-1 ang mga tuta o asong 1 year old and below.
4. Ang bakuna po ay libre at walang bayad.
Para po sa iba pang lugar na walang pang i-skedyul, antabayan na lamang po ang announcement sa Taytay Agriculture Office Facebook Page. Iikot po tayo sa lahat ng sitio, purok, barangay at subdivisions dito sa ating bayan.
Comments