PAWtektado: Taytay Kontra Rabies Bakuna Express
- Taytay, Rizal
- Jul 11
- 1 min read

Inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pamumuno ng ating Mayor Hon. Allan Martine De Leon, MPA kasama ng Barangay San Juan sa pamumuno ni Kapitan Roseller Valera, at sa pamamagitan ng Taytay Agriculture Office, ang 'PAWtektado: Taytay Kontra Rabies Bakuna Express'.
Narito ang iskedyul ng Bakuna Express sa mga sumusunod na lugar:

Ito ay bukas para sa lahat ng aso at pusang malapit sa mga nabanggit na lugar.
Ang maaari bakunahan ay ang mga sumusunod:
1. Tatlong (3) buwan pataas ang edad ng aso o pusa.
2. Hindi nakakagat sa nakalipas na dalawang (2) linggo.
3. Walang sakit o gamutan sa nakalipas na dalawang (2) linggo.
4. Lagpas isang (1) taon na mula ng mabakunahan ng anti-rabies.
Mga Paalala:
1. Paliguan muna ang aso o pusa bago bakunahan dahil limang (5) araw silang bawal paliguan pagkabakuna.
2. Dalhin ang vaccination record kung mayroon.
3. Inirerekomenda na kompleto na sa bakuna na 5-in-1 ang mga tuta o asong 1 year old and below.
4. Ang bakuna po ay libre at walang bayad.
Para po sa iba pang lugar na walang pang i-skedyul, antabayan na lamang po ang announcement sa Taytay Agriculture Office Facebook Page. Iikot po tayo sa lahat ng sitio, purok, barangay at subdivisions dito sa ating bayan.






































Comments