top of page

Rabies-free Taytay: Pawtektado Drive

  • May 19
  • 1 min read

Updated: May 20

Courtesy Taytay Public Information Office
Courtesy Taytay Public Information Office

Pawtektado na ang mga fur babies ng ating mga kababayan sa Hillside at Bernardino Compound sa Barangay Dolores sa isinagawang libreng bakuna kontra rabies na pinangunahan ng Taytay Municipal Agriculture Office ngayong Martes, Mayo 19, 2026.


Bahagi ang naturang programa ng patuloy na kampanya ng Pamahalaang Bayan ng Taytay upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan hindi lamang ng mga alagang hayop kundi maging ng komunidad laban sa rabies.

Sama-sama nating isulong ang isang rabies-free at pet-friendly na Taytay!


Para po sa lahat ng pet owners (aso at pusa) sa ating bayan, opisyal na po nating gagamitin ang SMILE PAWNEC: Digital Vaccination Record sa pagbabakuna kontra rabies. Hinihikayat po ang lahat na magparehistro na ng kanilang alagang aso at pusa gamit ang Smile Pawnec.



Courtesy Taytay Public Information Office

Paano Mag Register?


1. Magregister sa Pawnec Pet ID sa pamamagitan ng link na ito: https://pawnec.com/register?city=Taytay%25City


2. Register: I-set up ang profile ng inyong alaga.


3. Vaccinate Pabakunahan ang inyong alaga sa Municipal Agriculture Office, o sa schedules ng PAWtektado sa inyong lugar.


Paalala: Dalhin ang inyong cellphone o mobile device na mayroong data connection upang ma-record ang bakuna ng inyong alaga. Maaari ring i-screenshot ang eHealth ng inyong maalaga kapag magpapabakuna. Libre po ang pagpaparegister at ang bakuna.


Para sa susunod na iskedyul o updates, maaring bisitahin ang Taytay Agriculture Office Facebook Page.





Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page