top of page

Pasyal sa Rizal: Tourism and Trade Fair

  • May 18
  • 1 min read

Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Idinaos sa House of Representatives, Quezon City nitong Mayo 13, 2026 ang 'Pasyal sa Rizal: Tourism and Trade Fair' na nagpapakita ng mayamang kultura, sining, at mga lokal na produkto mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Lalawigan ng Rizal.


Tampok sa naturang tourism and trade fair ang iba’t ibang produktong ipinagmamalaki ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lokal na industriya at turismo sa Rizal.


Dumalo at nagpkita ng suporta sina Congresswoman Mia Ynares at Congressman Dino Tanjuatco, na patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibang makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan at turismo sa lalawigan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Dumalo rin at nakiisa ang mga alkalde at opisyal mula sa bawat bayan ng Lalawigan ng Rizal, kasama sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, at ang 13th Sangguniang Bayan ng Taytay, bilang pagpapakita ng suporta sa patuloy na pag-unlad ng lokal na industriya.


Nakiisa rin sa programa ang Department of Tourism (DOT), Department of Trade and Industry (DTI), at ang Association of Tourism Officers of Rizal (ATOR) sa pangunguna ng pangulo nito, at Taytay Municipal Tourism Officer na si Mr. Roel Supendio, MBA, bilang suporta sa pagsusulong ng turismo at kabuhayan sa lalawigan.


Isang patunay na ang Probinsya ng Rizal ay hindi lamang mayaman sa likas na ganda, kundi higit sa lahat—sa talento, kultura, at kabuhayang patuloy na pinatatatag para sa kinabukasan.


Tara, Pasyal na sa Rizal!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page