top of page

Pamamahagi ng Cash Relief Assistance sa TODA Drivers ng Taytay

  • May 12
  • 1 min read
Cash Relief Assistance Distributed to TODA Drivers in Taytay, Rizal
Courtesy: Taytay Public Information Office

Naipamahagi na ang unang batch ng Limang Libong Piso (₱5,000) Cash Relief Assistance para sa mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA). Ang naturang tulong pinansyal ay ipinamahagi sa mga miyembro noong Mayo 8, 2026 sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng programa ng Pamahalaang Nasyonal.


Layunin ng hakbang na ito na maibsan ang pasaning dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa mga tricycle drivers na walang sawang nagseserbisyo sa komunidad. Sa pamamagitan ng tulong pinansyal, inaasahang matutulungan ang mga driver na mapanatili ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na pasada para sa mga mamamayan ng Taytay.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Ang tulong ay inaasahang makatutulong sa pagbabayad ng mga pangunahing gastusin at pagpapatuloy ng kanilang hanapbuhay sa kabila ng kasalukuyang hamon na kinahaharap.


Para naman sa mga hindi nakabilang sa unang batch ng benepisyaryo, pinapayuhan ang lahat na sumubaybay ang mga susunod na anunsyo sa MSWDO Taytay, Rizal Facebook Page upang malaman ang iskedyul ng pamamahagi.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page