Taytay Athletes Joins the Palarong Pambansa 2026
- May 25
- 1 min read

Sa ginaganap na 2026 Palarong Pambansa sa Lalawigan ng Agusan del Sur, buong puso ang paghahanda ng ating mga atleta mula sa Bayan ng Taytay. Hindi matatawaran ang kanilang dedikasyon at determinasyon upang dalhin ang dangal ng ating bayan sa pambansang entablado.
Ipinagmamalaki ng ating bayan na ang karamihan sa mga pambato ng CALABARZON Heroes ay nagmula sa bayan ng Taytay.
Courtesy: Mayor Allan De Leon
Mula sa Pamahalaang Bayan kasama sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, 13th Sangguniang Bayan, at ng ating mga Barangay — ang maghatid ng buong suporta sa bawat atleta.
Dala ninyo ang puso, galing, at determinasyon ng bawat Taytayeño! Dalhin ninyo ang dangal ng Taytay nang may pagmamalaki at inspirasyon para sa ating bayan at buong lalawigan.
Padayon at mabuhay ang atletang Taytayeño!


































































Comments