top of page

OWWA - CALABARZON Calamity Response Operation

  • Aug 4, 2025
  • 1 min read

OWWA - CALABARZON Calamity Response Operation
Courtesy: Taytay Public Information Office

Nitong Agosto 2, 2025, nasa 1,000 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong sa isinagawang 'Calamity Response Operation' sa Taytay Municipal Hall na pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region IV-A, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng ating Pamahalaang Bayan at Philippine Red Cross.


Pinangunahan ng PESO department ang koordinasyon at pamamahagi ng mga ayuda, katuwang ang OWWA Region IV-A team na nagpaabot ng kanilang direktang serbisyo sa mga residente.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Layunin ng aktibidad na maipaabot ang karagdagang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad, partikular na sa mga miyembro at kaanak ng Overseas Filipino Workers (OFWs) dito sa ating bayan. Namahagi ang mga ahensya ng food packs at iba pang pangunahing pangangailangan bilang bahagi ng kanilang emergency response.


Dumalo sa naturang aktibidad sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, at mga miyembro ng 13th Sangguniang Bayan, na nagpahayag ng suporta at pasasalamat sa mga ahensyang katuwang sa pagbibigay-lingap sa mga Taytayeño.



Courtesy: Mayor Allan De Leon


Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa OWWA sa pagbibigay ng tulong sa gitna ng patuloy na pagbangon ng ating mga kababayan mula sa epekto ng mga kalamidad.


Ito ay patunay ng sama-samang pagkilos ng nasyonal na ahensya, lokal na pamahalaan, at humanitarian organization sa pagbibigay ng serbisyong may ngiti para sa mga Taytayeño.


Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page