Outstanding Barangay GAD Implementer Awards
- Sep 16, 2025
- 1 min read

Nagsama-sama ang mga kinatawan ng iba’t ibang barangay ng Bayan ng Taytay sa ginanap na Outstanding Barangay GAD Implementer Awards na pinangunahan ng Gender and Development (GAD) Office.
Layunin ng Barangay GAD Implementer Awards 2025 na bigyang-pagkilala ang mga mabubuting kasanayan sa pagsusulong ng gender equality at women empowerment, gayundin ang pagpapalakas ng partisipasyon ng komunidad tungo sa mas inklusibong pamamahala.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Dumalo sa naturang pagtitipon sina Department of Interior and Local Government (DILG) - Rizal Provincial Director Lionel L. Dalope, DILG - Taytay MLGOO Engr. Jennylyne Alvarez-Sicat, Rizal Federation of Local Council of Women President Ms. Josephine Parilla, Ms. Onnie De Leon, Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven Mendoza, MPA, mga kapitan at mga kagawad ng bawat barangay, at mga kawani.
Bilang pagkilala sa kanilang natatanging ambag, iginawad ang parangal sa mga sumusunod na Barangay:
Outstanding GAD Implementer – Barangay Sta. Ana
1st Place – Barangay San Juan
2nd Place – Barangay Dolores
3rd Place – Barangay San Isidro
4th Place – Barangay Muzon
Ang parangal na ito ay nagsisilbing inspirasyon at patunay na ang pagtutulungan at sama-samang pagkilos ng bawat barangay ay mahalaga upang maisulong ang pagkakapantay-pantay. Nawa’y magsilbi itong huwaran at hamon para sa lahat ng barangay sa ating bayan upang patuloy na magtaguyod ng pantay at makataong pamamahala tungo sa isang mas maunlad at inklusibong bayan.




































































Comments