OTPM Team In Action
- Taytay, Rizal
- Oct 7
- 1 min read

Ang mga kawani mula sa Old Taytay Public Market (OTPM) Office ay regular na nagsasagawa ng inspeksyon upang masiguro ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng ating pamilihan.
Merong 'Yellow Markings' na itinakda sa mga nagtitinda upang masiguro ang kaayusan sa kanilang mga nakatalagang lugar, at mapanatili ang kaluwagan ng mga daanan para sa mga mamimili at maging madali ang pagresponde sa oras ng emergency.
Mayroon tayong Timbangan ng Bayan na maaaring gamitin ng mga mamimili upang masuri ang bigat ng kanilang mga pinamili, na naglalayong maprotektahan ang bawat Taytayeño laban sa hindi makatarungang gawi ng kalakalan.
Courtesy: Old Taytay Public Market
Lubos na nagpapasalamat ang mga kawani ng OTPM Office sa mga vendors na sumusunod at nakikiisa sa mga alituntunin ng ating palengke. Tulong-tulong tayong panatilihing malinis ang ating palengke at iwasan ang pagtatambak ng basura upang maiwasan ang pagkalat ng mabahong amoy, sakit, at maiwasan ang pagbaha.
Ang serbisyo ay patuloy na isinasagawa nang may ngiti at malasakit, katuwang ang ating butihing Mayor Allan Martine De Leon, MPA.
Para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Taytayeño.






















































Comments