top of page

Orientation on Sustainable Livelihood Program

Updated: Jul 21

Orientation on Sustainable Livelihood Program
Courtesy: Taytay Public Information Office

Isinagawa nitong Hulyo 17, 2025 ang Sustainable Livelihood Program (SLP) Orientation sa San Juan Gymnasium na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office ng ating Pamahalaang Bayan. Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga benepisyaryo ang iba’t-ibang oportunidad pangkabuhayan upang mapalakas ang kanilang kakayahang makamit ang self-sufficiency at mas maunlad na pamumuhay.


Bilang tagapagsalita, ibinahagi ni Mr. Edmark Azucena ang mga pangunahing layunin at proseso ng SLP, gayundin ang mga tagumpay na maaaring makamit sa pamamagitan ng disiplina, determinasyon, at sama-samang pagtutulungan. Tinalakay din niya ang iba’t ibang livelihood modalities, pati na ang mga alternatibong kabuhayan na maaaring iayon sa kapasidad at pangangailangan ng bawat benepisyaryo.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Dinaluhan nina Vice Mayor Jan Victor Cabitac at mga miyembro ng Ika-13th Sangguniang Bayan na buong pusong sumusuporta sa mga programang nagbibigay pag-asa sa ating mga kababayan. Sa kanilang mensahe, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan ng bawat isa upang makamit ang inklusibo at pangmatagalang kaunlaran.


Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapaunlad ang kabuhayan ng bawat Taytayeño bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng Serbisyong May Ngiti!


Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page