top of page

Opening Ceremony of SMILE I.T. Lab Dolores TechLink

Updated: Oct 24

Opening Ceremony of SMILE I.T. Lab Dolores TechLink
Courtesy: Taytay Public Information Office

Nitong Oktubre 22, 2025, binuksan na sa publiko ang SMILE I.T. Lab Dolores Techlink, na magbibigay ng mas malawak na akses sa teknolohiya at online services para sa mga Taytayeño. Matatagpuan ang SMILE I.T. Lab Techlink sa Barangay Dolores Satellite Hall, Kay Tikling.


Dinaluhan nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac at mga miyembro ng ika - 13th Sangguniang Bayan, kasama rin sina Barangay Captain Hon. Reiner Andrew Samson Tolentino Pacleb at mga kagawad ng Barangay Dolores ang naturang pagpapasinaya.



Courtesy: Taytay Public Information Office & Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal

Ito ay bukas mula 8:00 AM hanggang 8:00 PM at nagbibigay ng libreng serbisyo gaya ng:


✅Free Printing for All

✅ Free Computer Usage

✅ Free Co-working Space

✅ Shared Service Facility

✅ E-Government Services Assistance


Kabilang ito sa iba pang SMILE I.T. Lab Centers sa ating bayan gaya ng sa Rosario Ocampo Elementary School, San Isidro Elementary School, at SK Sta. Ana Study Hub sa Lupang Arenda. Ang proyektong ito ay bahagi ng inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Taytay na naglalayong palawakin ang digital access at tech empowerment sa bawat barangay. Ang proyektong ito ay bahagi ng inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, na naglalayong palawakin ang digital access at tech empowerment sa bawat barangay.


Patuloy ang paghahatid ng Serbisyong May Ngiti sa bawat sulok ng ating bayan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga SMILE I.T. Labs sa ating mga komunidad. Abangan kung saan naman bubuksan ang susunod na SMILE I.T. Lab sa Bayan ng Taytay!


Congratulations sa Barangay Dolores at sa buong SMILE I.T. Lab Team sa matagumpay na pagbubukas ng Dolores Techlink!





Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page