top of page

Ocular Inspection of Taytay Emergency Hospital - Annex

Courtesy: Mayor Allan De Leon
Courtesy: Mayor Allan De Leon

Kamakailan, isinagawa ang inspeksyon sa Annex Building ng Taytay Emergency Hospital, na matatagpuan sa C6-Ejercito Avenue, Barangay Sta. Ana. Binisita ito ng ating Punong Bayan Hon. Allan Martine De Leon, MPA, Konsehal Rulf Marius Valera, Konsehala Elaine Leonardo, at Municipal Health Office (MHO) O.I.C Dr. Aldwin Aguinaldo, M.D. bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Taytay na palawakin ang abot ng serbisyong medikal sa mga mamamayan.


Ang nasabing annex building ay bahagi ng mga inisyatibong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan na naglalayong mas mailapit ang serbisyong medikal sa mga residente, at inaasahang mas mapapadali ang pag-access sa agarang lunas at serbisyong pangkalusugan.



Courtesy: Mayor Allan De Leon


Sa Disyembre 8, 2025 ang proposed opening ng Taytay Emergency Hospital - Annex. Inaasahang magsisimula na itong tumanggap ng mga pasyente at magbigay ng pangunahing serbisyong medikal.


Recorded Live Video from October 16, 2025. Courtesy: Mayor Allan De Leon

Hangad natin na mas ilapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan na malapit sa lugar na ito; at sinisiguro ng Pamahalaan na ang bawat proyekto na ating gagawin ay mas makikinabang ang nakararami.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page