Oathtaking Ceremony of Sectoral Federation Officers and Senior Citizens Chapter Officers Assembly
- Sep 8, 2025
- 1 min read

Kasabay sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating Punong Bayan Hon. Allan Martine De Leon, MPA, nagtipon ang ating mga Senior Citizens at iba’t ibang Sektor ng ating lipunan upang manumpa sa katungkulan bilang isang samahan na magiging katuwang natin sa pagpapatupad ng maayos at payapang komunidad nitong September 7, 2025.
Pinangunahan ito ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office at dinaluhan ng 13th Sangguniang Bayan ang naturang panunumpa.
Nagkaroon din ng talakayan at pagbibigay kaalaman sa ating mga Lolo at Lola ukol sa Republic Act (R.A.) 11982 "Expanded Centenarian Act", na naglalaman ng mga impormasyon sa mga benepisyo ng isang Senior Citizens pagsapit ng sentenaryong edad.
Courtesy: Mayor Allan De Leon
Ang Pamahalaan Bayan kasama ang mga Kapitan ng bawat Barangay at ng ika - 13th Sangguniang Bayan ay lubos na pasasalamat sa lahat ng naging parte ng araw na ito. Kayo ang aming inspirasyon sa patuloy na adhikain namin sa pagseserbisyo.
Laging ibibigay ang Serbisyong May Ngiti, Para sa Diyos, Bayan at Kababayan.
Taytay: Bayang Nakangiti at Pinagpala, Handa, Ligtas at Payapa
















































































Comments