Navigating the Taytay Poblacion Traffic Scheme Ordinance No. 854 s. 2025
- Taytay, Rizal
- Oct 7
- 2 min read

Para mas mapagaan ang daloy ng trapiko at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian, ipinatutupad na ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang Municipal Ordinance No. 854, s. 2025 o ang “Taytay Poblacion Traffic Scheme Ordinance”
Sakop ng naturang Municipal Ordinance ang mga lugar sa paligid ng Rizal Provincial Hospital System (RPHS) at Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist. May mga itinakdang one-way traffic flow, one-side parking lamang, at no-parking zones sa ilang kalsada.
Narito ang ilang kalsada kung saan ipapatupad ang naturang ordinansa:

One-Way Streets:
• Kadalagahan Lower – Rizal Avenue ➡ Minor Basilica
• Kadalagahan Upper – Minor Basilica ➡ L. Wood Street
• J. Sumulong Lower – L. Wood Street➡ Minor Basilica
• J. Sumulong Upper – Minor Basilica ➡ Rizal Avenue
• Mahinhin – Kadalagahan ➡ Mahinhin cor. S. Mateo Streets
• J. Asilo Upper – J. Sumulong ➡ cor. Mahinhin Streets
Two-Way Streets:
• J. Asilo Lower – J. Sumulong Street ↔ Rizal Avenue
• S. Mateo Upper – J. Sumulong Street ↔ L. Wood Street
One-Side Parking:
• Kadalagahan Lower – RPHS side
• J. Sumulong Upper – Sa tapat ng RPHS hanggang Rizal Avenue
• J. Asilo Upper – HJVZ Emergency Hospital side hanggang L. Wood Street
No Parking on Both Sides:
• J. Sumulong Lower – L. Wood Street hanggang Kadalagahan
• Kadalagahan Upper – San Juan Gymnasium hanggang L. Wood Street
• J. Asilo Lower – J. Sumulong hanggang Rizal Avenue
• Sa loob ng 10 metro mula sa fire hydrant
• Sa loob ng 6 metro mula sa TODA terminal o kanto
• Sa harap ng mga driveway
Ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga ambulant vendors sa mga lansangang sakop ng ordinansa, lalo na sa paligid ng RPHS at Minor Basilica.

Hinahikayat ang lahat ng motorista na sumunod sa bagong traffic scheme upang maging mas maayos at ligtas ang ating mga lansangan.






































Comments