top of page

National Women's Month 2026

  • 6 days ago
  • 1 min read
Celebration of National Women's Month 2026.
Courtesy: Taytay Public Information Office

Ating ipinagdiriwang ang lakas, galing, at mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng ating lipunan. Tulad ng mga sinaunang Babaylan na kinikilalang lider, tagapangalaga ng komunidad, at simbolo ng karunungan at tapang, patuloy na pinatutunayan ng makabagong kababaihan ang kanilang kakayahang mamuno, maglingkod, at magbigay-inspirasyon sa bawat henerasyon.


Ang diwa ng Babaylan ay buhay sa bawat babaeng may malasakit, paninindigan, at lakas ng loob na itaguyod ang pagkakapantay-pantay at inklusibong lipunan.


Para sa karagdagang detalye, maaring bisitahin ang artikulo mula sa Philippine Commission on Women website patungkol sa pagdiriwang ng National Women's Month.


Sa pagdiriwang ng National Women's Month 2026, ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA at ika-13th Sangguniang Bayan ay kaisa at buong pusong sumusuporta sa pagdiriwang ng National Women's Month ngayong buwan ng Marso. Mula sa pagiging ina, guro, lider, manggagawa, hanggang sa mga kababaihang patuloy na nagsisilbi sa iba’t ibang larangan—malaki ang kanilang ambag sa paghubog ng isang matatag at maunlad na bayan.


Sama-sama nating ipagdiwang ang kakayahan, tagumpay, at boses ng kababaihan. Ipagpatuloy natin ang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, respeto, at oportunidad para sa lahat.


WE for Gender Equality and Inclusive Society.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page