National Literacy Awards Regional Validation
Bumisita ang mga Regional Validators ng National Literacy Awards sa ating bayan nitong nakaraang Hulyo 31, 2024.
Dinaluhan din ito ng mga tagasuri mula sa Department of Education (DepEd) Region IV-A at Philippine Information Agency (PIA).
Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay magbibigay-pugay sa mga natatanging Local Government Units (LGUs) at Non-Government Organizations (NGOs) para sa kanilang pagsisikap na mapalaganap ang literasiya sa bansa sa pamamagitan ng National Literacy Awards (NLA). Ayon sa Literacy Coordination Council (LCC), layunin ng NLA na kilalanin ang mga pinakamahusay na praktika sa literasiya na isinagawa ng LGUs at NGOs.
Ang mga ito ay inengganyo ng Kagawaran upang itaguyod at ipalaganap ang kahalagahan ng literasiya para sa pag-unlad ng bansa, at sa gayon, hikayatin silang bumuo, magpatupad, at magpanatili ng mga programa at proyekto sa literasiya sa buong bansa.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang ating bayan ay aktibong lumahok sa National Literacy Awards. Sa pagkakataong ito, ipinapakita natin ang mga kasalukuyang inisyatibo at proyekto ng bawat departamento na nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa Taytay. Ang ating partisipasyon ay hindi lamang isang pagpapakita ng ating mga pagsisikap kundi isang patunay ng ating dedikasyon sa pag-unlad ng edukasyon.
Comments