Taytay Recognized During the 31st National Crime Prevention Week
- Taytay, Rizal
- Oct 1, 2025
- 2 min read
Updated: Oct 3, 2025

Kinilala at nag-uwi ng mga parangal ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa ginanap na National Police Commission (NAPOLCOM)'s 31st National Crime Prevention Week Culminating Activity na ginanap nitong Septyembre 25, 2025 sa Sta.Rosa City, Laguna.
Ang National Crime Prevention Week Culminating Activity ay nagsisilbing pagkakataon upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga ahensya at itampok ang mga pinakamahusay na pamamaraan sa mga inisyatibo para sa kapayapaan at kaayusan.
Tumanggap si Mayor Allan Martine De Leon, MPA ng karangalang 'Outstanding Local Chief Executive', bilang pagkilala sa kanyang matibay na pamumuno at tuloy-tuloy na suporta sa mga programang pangkapayapaan at kaayusan ng komunidad.
Kasabay nito, ginawaran din ang Bayan ng Taytay bilang 'Community and Service-Oriented Policing (C.S.O.P.) Recognized LGU', isang patunay ng epektibong ugnayan ng lokal na pamahalaan, pulisya, at mga mamamayan para sa ligtas at organisadong pamayanan.
Courtesy: NAPOLCOM Regional Office CALABARZON, Mayor Allan De Leon, Taytay Public Information Office
Kasama sina Vice Mayor Jan Victor Cabitac at Konsehala Carizza Cortez, natunghayan natin ang bunga ng maayos at matatag na relasyon ng kapulisan at ng lokal na pamahalaan upang mas maging ligtas at payapa ang ating mga nasasakupan.
Hindi rin pinalampas ang katapangan ng kapulisan matapos kilalanin si PLTCOL Marlo N. Solero - COP MPS, bilang PNP Gallantry Awardee dahil sa kanyang natatanging serbisyo at dedikasyon sa tungkulin.
Maraming salamat kay PLTCOL Marlo N. Solero at sa buong Taytay PNP na kasama natin nagseserbisyo para sa Peace and Order ng Bayan ng Taytay.
Ang award na ito ay para sa bawat kawani, taskforce, volunteers, at mamamayan ng Taytay, na nagpapakita ng suporta at nagbibigay tulong upang masigurado natin na ang Bayan ng Taytay ay patuloy na Nakangiti at Pinagpala - Handa, Ligtas, at Payapa! Ito'y nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang mga hakbang para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat Taytayeño.
























































Comments