top of page

National Breastfeeding Awareness Month - Hakab Na! Year 3

Aug 11
1 min read
Taytay Celebrates National Breastfeeding Awareness Month - Hakab Na! Year 3
Courtesy: Taytay Nutrition Office

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal ang "National Breastfeeding Awareness Month" - Hakab Na! Year 3 para sa buwan ng Agosto. Ito ay patunay ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol sa pamamagitan ng taunang programa .


Sa temang “One Breastfeeding Philippines: Yakap Hakab — Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works,” binibigyang‑diin ng selebrasyon ang kahalagahan ng pagpapasuso bilang pundasyon ng kalusugan, kaligtasan, at sustenableng kinabukasan para sa bawat pamilya at komunidad.


Maaring mapanood ang mensahe ni National Nutrition Council - Executive Director IV Usec. Albert Francis E. Domingo hinggil sa National Breastfeeding Awareness Month at sa kahalagahan ng pagsuporta sa mga ina na nagpapasuso at sa kanilang mga anak:


Ang pagdiriwang ngayong taon ay nagsusulong ng mas matatag na suporta sa mga ina at pamilya upang ipagpatuloy ang eksklusibong pagpapasuso — isang hakbang tungo sa mas malusog, ligtas, at matatag na kinabukasan. Ang unang patak ng gatas ng ina ay sagisag ng tamang nutrisyon at pagmamahal na nagsisimula sa tahanan.


Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang mga programang nagtataguyod ng wastong nutrisyon at kalusugan ng pamilya, bilang bahagi ng pangmatagalang layunin nitong palakasin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng edukasyon, suporta, at malasakit.


Patuloy nating suportahan ang pagyakap sa tamang nutrisyon mula sa unang patak ng gatas ng ina!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page