Let the Games Begin: Taytay Municipal Athletic Meet 2026
- 4 days ago
- 1 min read

Game on, Taytayeños! Handa na bang ipakita ang husay, tibay, at puso sa laban?
Opisyal nang binuksan nitong nakaraang unang araw ng Agosto 2026 ang Taytay Municipal Athletic Meet sa pangunguna ng DepEd Taytay katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal.
Na may temang "Taytayeños Sports: Unlocking the Future Through Sports", muling nagsama-sama ang mga student-athletes mula sa iba't ibang paaralan sa ating bayan upang ipamalas ang kanilang talento, disiplina, at determinasyon sa iba’t ibang larangan ng palakasan.
Higit pa sa medalya at tropeo, ang bawat laban ay pagkakataong matuto, umunlad, at patunayan na ang tunay na kampeon ay marunong lumaban nang may respeto, pagkakaisa, at sportsmanship.
Courtesy: Mayor Allan De Leon and Taytay Public Information Office
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang palarong ito upang maipakita ng bawat Kabataang Taytayeño ang kanilang talento, dedikasyon, at pagmamahal sa sports.
Sa lahat ng mga kalahok, hangad namin ang isang ligtas, masaya, at makabuluhang kompetisyon. Ipagmalaki niyo ang inyong paaralan, maglaro nang may integridad, at ibigay ang inyong teamwork sa bawat laban.
Good luck at Mabuhay ang mga atletang Taytayeño!
































































































Comments