MRT 4 Project Introductory Meeting


Courtesy: Mayor Joric Gacula

Malapit na nating marinig ang mga linyang "Arriving To Taytay Station". Nitong nakaraang February 7, 2022 kasama ang Department of Transportation (DOTr), nagsagawa tayo ng pagpupulong para sa update ng gagawing Metro Rail Transit Line 4 (MRT-4) project dito sa ating bayan.


Pagdudugtungin ng naturang proyektong ito ang mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Quezon, at Pasig, at ng mga bayan ng Cainta at Taytay, Rizal, kung saan inaasahang magiging 30 minuto na lang o mas mababa pa sa 1 oras ang biyahe mula sa ating munisipalidad hanggang Quezon City.


Courtesy: Mayor Joric Gacula


Batid po natin ang kahalagahan ng mass transport system sa ating bayan. Kaya naman ang MRT-4 ay napakalaking tulong lalo na sa mga estudyante at mangagagawang Taytayeño na gawing mas mabilis, ligtas, at komportable ang kanilang biyahe patungong Kamaynilaan.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts