top of page

MOA Signing Ceremony Between LGU- Taytay, Rizal and DOH - TRC Bicutan

MOA Signing Ceremony Between LGU- Taytay, Rizal and DOH - TRC Bicutan
Courtesy: Taytay Public Information Office

Ginanap nitong nakaraang Hunyo 26, 2025 ang pormal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay at ng Department of Health – Treatment and Rehabilitation Center (DOH-TRC) Bicutan, na magsisilbing referral center ng Bayan ng Taytay para sa mas malapit na residential drug treatment and rehabilitation facility.


Ang seremonya ng paglagda ay isinagawa sa layuning mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at mabigyan ng sapat na suporta ang mga indibidwal na nais magbago at muling bumalik sa lipunan bilang mga produktibong mamamayan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Dumalo sa seremonya sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor-Elect Jan Victor Cabitac, at mga opisyal mula sa DOH-TRC Bicutan na pinangunahan nina Dr. Manuel C. Panopio, MD, MHcA, FPCAM, FPSMSI at Dr. Alfonso A. Villaroman, MD, FPCAM, FPSMS. Kabilang din sa mga dumalo si Councilor Patrick Alcantara bilang Committee Chairperson ng Peace and Order, Municipal Health Officer Dr. Aldwin S. Aguinaldo, M.D., Municipal Anti - Drug Abuse Council (MADAC) O.I.C Mr. Dexter B. Pangilinan, mga opisyal ng iba't-ibang barangay kasama ang kanilang Barangay Anti - Drug Abuse Council (B.A.D.A.C) Focal Persons, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga kinatawan mula sa civil society organizations.


Sa pamamagitan ng kasunduang ito, inaasahang mas mailalapit sa mga Taytayeño ang mga serbisyong pangkalusugan at rehabilitasyon, bilang bahagi ng mas malawak na programang pangkapayapaan at kaayusan ng lokal na pamahalaan.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page