Mga Pangarap ni Seph: Youth Dream for a Cleaner Future
- Mar 25
- 1 min read

Inilunsad nitong Marso 24, 2026 ang volume 2 sa tatlong aklat ng “Mga Pangarap ni Seph”, sa pangunguna ng Project TRIBE, kasama sina Konsehal John Tobit Cruz at Konsehal Rulf Marius Valera, at Barangay Sta. Ana Captain Hon. Jean Lalaine Calderon, UAP katuwang ang mga partners mula sa Nanyang Technological University, Singapore.
Ang naturang aklat pambata na isinulat ni Dr. Mylene G. Cayetano, RCh, PhD. - faculty member ng University of the Philippines - Institute of Environmental Science and Meteorology (IESM), na iginuhit ni Kim April Delos Angeles. Ang serye ay hango sa taos-pusong pasasalamat sa buhay ni Joseph Cayetano.
Nilalaman ng naturang libro ang kwento na swak sa kabataan—patungkol sa pagmamalasakit sa kalikasan at sa pangarap na magkaroon ng mas malinis at mas maayos na kapaligiran. Isang paalala na kahit simpleng paraan, may magagawa tayo para sa kalikasan.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Sa pamamagitan ng pagkukuwento, ipinapakilala ng aklat na ito sa mga kabataang mambabasa ang kamalayan sa kapaligiran at pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa usapin ng mga anyong tubig.
Kasabay sa paglulunsad ng naturang libro ay isinagawa rin ang 'Bokashi Ball Throwing' sa Maningning Creek sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng ating Pamahalaang Bayan, bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga at rehabilitasyon ng ating mga daluyan ng tubig.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pagsuporta ng mga programa para sa kalikasan—mga hakbang tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas sustainable na komunidad para sa susunod na henerasyon.














































































Comments