Mercury Drug's Gamot Padala

Ang Mercury Drug ay nagbibigay na ng medicine delivery service (Gamot Padala) sa kanilang branches dito sa ating bayan. Kaya pwede na makabili at maidleiver ang gamot mula sa kanilang botika papunta sa inyong kabahayan .
Sa loob lang ng 3 easy steps, narito kung paano makabili ng gamot nang hindi na kailangan lumabas ng iyong bahay:
1. Call
Mag-place ng inyong order sa pamamagitan ng pag-tawag sa Mercury Drug branch na inyong nais.
Narito ang mga sumusunod:
Manila East Road Taytay Branch Store Hours: 7:00 AM to 11:00 PM

East Road Arcade Taytay Branch Store Hours: 6:00 AM to 10:00 PM

Taytay Poblacion Branch Store Hours: 6:00 AM to 10:00 PM

Waltermart Taytay Branch Store Hours: 6:00 AM to 10:00 PM

2. Order & Pay
Matapos mag-place ng inyong order ay bayaran ito online gamit ang Paymaya, GCash, at credit/debit card.
3. Deliver
Kapag tapos na ang online payment, ibigay ang inyong address para sa delivery details at hintayin lamang na dumating ang inyong inorder sa inyong tahanan. Ang delivery service ay mayroon pong delivery charge.
Para sa iba pang katanungan, magpadala lang ng mensahe sa kanilang email address sa: info@mercurydrug.com
At para sa karagdagang impormasyon, maari ding bisitahin ang kanilang Facebook Page o website.