Medical Mission 2025
- Taytay, Rizal
- Jul 16
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week ng ating Pamahalaang Bayan, matagumpay na naisagawa ang Medical Mission sa San Juan Gymnasium nitong nakaraang Hulyo 16, 2025, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office katuwang ang Municipal Health Office (MHO).
Layunin ng aktibidad na patuloy na maipadama ang malasakit at suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng mga taong may kapansanan at iba pang nangangailangan ng serbisyong medikal.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Ilan sa mga serbisyong libreng naibigay sa ating mga kababayan ay ang mga sumusunod:
✔ Dental Check-Up
✔ Medical Check-Up
✔ Random Blood Sugar (RBS)
✔ Electrocardiogram (ECG)
✔ Reflexology
✔ Libreng Gamot mula sa Rolling Botika
✔ Libreng Gupit
Malaking pasasalamat sa lahat ng kawani na naging kabalikat sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito. Sama-sama nating isusulong ang isang Taytay na naka-ngiti, inklusibo, may malasakit, at walang naiiwan.
Tara na! Smile Taytay!


























































Comments