top of page

Ligtas - Tigdas: Safeguarding Health Through Vaccination

  • 7 days ago
  • 1 min read
Courtesy: Taytay Municipal Health Office
Courtesy: Taytay Municipal Health Office

Ngayong buwan ng Hunyo, makikiisa ang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Allan Martine De Leon, MPA at ng Taytay Municipal Health Office sa gaganaping "Measles - Rubella Supplemental Immunization Activity" (MR SIA).

Sa programang ito, ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan ay makatatanggap ng bakuna laban sa tigdas at tigdas-hangin, karagdagang Vitamin A supplements, at iba pang bakunang kabilang sa routine immunization program.


Narito ang iskedyul ng pagbabakuna kada barangay:


Phase 1 (June 2026)

Bordering Barangays of National Capital Region (NCR)


  • Barangay San Juan

  • Barangay Sta. Ana


Phase 2 (August 2026)


  • Barangay Dolores

  • Barangay Muzon

  • Barangay San Isidro, and remaining portions of


  • Barangay San Juan

  • Barangay Sta. Ana


Layunin ng programang ito na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna (Vaccine-preventable diseases o VPDs), tulad ng tigdas at tigdas-hangin, na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon at maging sanhi ng pagkamatay.


Para sa karagdagang detalye at iskedyul ng pagbabakuna, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar. Maari din bisitahin ang Facebook page ng Taytay Municipal Health Office para sa mga anunsyo.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page