Mauban LGU's Benchmark Visit To Taytay LGU


Taytay Public Information Office

Tayo po ay binisita ng Pamahalaang Bayan ng Mauban, Quezon sa pangunguna ng kanilang punong bayan Hon. Marita T. Llamas, Vice Mayor Marivel M. Trinidad, Councilor Raquel Almacen, MSWD Head Ms. Ma. Regina P. Cabaysa, mga department heads at kinatawan ng iba't ibang barangay para sa kanilang benchmark visit sa ating bayan.


Sila ay malugod na sinalubong ng ating PESO head ng ating pamahalaang bayan Ms. Gina Pineda, Head of Municipal Tourism Mr. Rod Santos, at Sangguniang Bayan Secretary Ms. Sonia Samson.


Taytay Public Information Office


Ipinrisinta sa ating mga panauhin ang patungkol sa pangunahing turismo sa bayan ng Taytay at ibinida sa ating mga bisita ang industriya ng Garments kung saan naging tanyag ang ating bayan dahil sa dekalidad at abot-kayang mga kasuotan na tinitinda sa ating mga Tiangge.


Napag-usapan kung paano naabot ng bayan ng Taytay ang kasalukuyang budget na nagkakahalagang 1.6 bilyong piso mula sa daang milyon lamang noong nakalipas na 15 taon. Ibinahagi din sa kanila ang lehislatibong proseso na ginagawa ng ating Sangguniang Bayan at nagbahagi ng mga kopya ng ordinansa at resolusyon na maaaring i-adopt ng bayan ng Mauban para sa higit na ikagaganda at ikakaayos ng pamamahala ng kanilang bayan.


Pormal din na humarap ang mga bisita sa ating Punong Bayan Hon. George Ricardo Gacula II para sa isang courtesy visit. Napag-usapan dito ang tungkol sa ilan sa mga kasaysayan, at kung paano unti-unting lumago ang ekonomiya at kabuhayan sa ating bayan.


Naging bukas din ang magkabilang panig tungkol sa usapin ng "sisterhood" ng bayan ng Mauban, Quezon at ng ating bayan.


Taytay Public Information Office


Nagkaroon din ng pagkakataon ang ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan gaya nila Konsehal Kyle Gacula, Jeca Villanueva, Patrick Alcantara at Konsehal Boknay Leonardo na magbahagi ang kanilang mga isinusulong sa bayan ng Taytay. Namangha ang ating mga panauhin dahil sa murang edad ng ating mga konsehal ay nagawa nilang pamahalaan ng maayos ang ating bayan na nakikita nilang malaki ang naging progreso sa nakalipas na panahon.


Pagdating ng tanghalian, inihain sa ating mga bisita ang isa sa mga kilalang pagkain sa Taytay na "Budbod" na kinagiliwan ng ating mga panauhin dahil sa dami ng serving.


Inikot din ng mga opisyales ng Mauban LGU ang ating Tiangge para makita ang mga mura at dekalidad na mga tela na itinitinda dito sa ating bayan.







Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts