top of page

Mastering ARTA Compliance Through Seminar - Workshop

  • Jun 30
  • 1 min read
ARTA Compliance Seminar - Workshop
Courtesy: Taytay Public Information Office

Kamakailan, gumagawa ng malaking hakbang tungo sa mas matalino, mas mabilis, at mas transparent na serbisyo publiko sa pamamagitan ng paglulunsad ng 2 - Araw na Seminar-Workshop patungkol sa ARTA Compliance. Bilang buong-pusong pagsuporta sa Republic Act No. 11032 o mas kilala bilang "Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018". Ito ay dinaluhan ng mga empleyado mula sa iba't ibang departamento ng ating Pamahalaang Bayan.


Layunin ng seminar - workshop na wakasan ang red tape, pabilisin ang mga proseso sa ating Pamahalaang Bayan, at itaas ang antas ng serbisyong ibinibigay natin sa bawat Taytayeño.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Higit nito na pinalalim ang pagtalakay sa mga pangunahing probisyon ng ARTA at ng Republic Act No. 11032, kabilang ang mga mekanismo at pinakamahusay na pamamaraan upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko.


Naging pagkakataon din ito upang mapalakas ang kakayahan ng mga pinuno at kawani ng munisipyo sa pagpapatupad ng mga repormang naglalayong bawasan ang red tape, pabilisin ang mga proseso, at tiyakin ang pananagutan sa bawat transaksyon.


Sa pamamagitan ng sama-samang pagkatuto at pagtutulungan, patuloy nating binubuo ang isang mas mahusay, mas maaasahan, at mas business-friendly na Taytay para sa kapakanan ng lahat.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page