Made in Taytay: Pagpapalawak ng Merkado sa Panahon ng Inobasyon
- Apr 22
- 1 min read

Sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa pagbebenta ng mga produkto, layunin nating makasabay ang Garments Industry ng ating bayan sa mabilis na pagbabago ng merkado.
Upang maisakatuparan ito, inilunsad ang “Made in Taytay” application at website. Nilalayon nitong palawakin ang merkado ng ating mga kababayan sa loob at labas ng ating bansa. Sa pamamagitan ng digital platform na ito, mas magiging future-ready ang ating mga mananahi at sellers, na magbibigay ng mas matatag at sustainable na negosyo.
Nitong Abril 16, 2026 ay matagumpay na naisagawa ang pilot-testing at capacity building training kasama ang Department of Trade and Industry (DTI), Design Center of the Philippines, PLDT, Multisys, at TikTok Shop Philippines para sa mga merchants mula sa BAGPI, IGPAI, at iba pang Tiangge centers.
Courtesy: Mayor Allan De Leon and DTI Region 4-A Rizal
Naipresenta rin ito ni DTI Provincial Director Sharon Fojas - Dioco ang Made in Taytay application at website sa ating mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Taytay nitong Abril 20, 2026 kasama ang ibang proyekto para sa Taytay Garments Industry.
Photos Courtesy: DTI Region 4-A Rizal
Ito ang simula ng ating digital transformation—isang hakbang tungo sa mas modernong sistema ng pagbebenta at mas malawak na oportunidad para sa ating garments industry.
Isang mas nakangiti, mas matatag, at mas modernong Taytay Tiangge ang handang makipagsabayan sa pandaigdigang merkado.
Abangan ang launching ng Made in Taytay Application / Website!




























































Comments