Limang Parangal, Isang Bayan: Tagumpay ng Taytay
- Taytay, Rizal
- 6 days ago
- 1 min read

Patuloy na pinapatunayan ng ating bayan na kaya nating makipagsabayan at manguna pagdating sa maayos, matatag, at epektibong implementasyon ng mga proyektong pang-imprastruktura.
Kamakailan ay iginawad ang limang (5) natatanging parangal sa ating bayan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa pagiging top performer ng Taytay sa implementasyon ng mga makabuluhang proyekto.
Narito ang mga natanggap na parangal:
Top Overall Project Implementer
— Pinakamahusay na LGU sa pangkalahatang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura.
Top LGU SubayBAYAN Implementer
— Kinikilalang LGU na pinaka-mahusay sa pagsusumite ng real-time updates at project monitoring.
Top LGU with Most LIME-20 Enrolled Projects for FY 2025
— Pinakamaraming proyektong naitala at nasunod sa Local Infrastructure Monitoring and Evaluation of 20% Development Fund (LIME-20).
Top LGU LIME-20 Implementer
— Pinakamahusay na gumagamit ng LIME-20 sa pagsisiguro ng kalidad at progreso ng mga proyekto.
Top LGU RSSA Implementer
— Best performer sa paggamit ng Rapid Sub-project Sustainability Assessment (RSSA) monitoring system para sa project evaluation.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Ang mga parangal na ito ay hindi lamang tagumpay ng pamahalaan—kundi tagumpay ng bawat Taytayeño na patuloy na nagtitiwala at nakikibahagi sa pag-unlad ng ating bayan. Patunay rin ito na accountable at results-driven ang pamahalaang bayan pagdating sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Tuloy-tuloy ang progreso. Tuloy-tuloy ang tagumpay. Tara na! Let's Smile Taytay!
















































Comments