top of page

LGU Taytay, Nakiisa sa Gender Sensitivity Training ng Land Management Bureau

Oct 8
1 min read

Courtesy: Gender and Development Office
Courtesy: Gender and Development Office

QUEZON CITY - Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagpapalakas ng pamamahala, naimbitahan at nakiisa ang mga kinatawan ng mula sa ating Lokal na Pamahalaan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa isinagawang "Gender Sensitivity Training (GST)" ng Land Management Bureau (LMB) nitong nakaraang Oktubre 5-6, 2026.


Ginanap ang nasabing pagsasanay kung saan dinaluhan ito ng mga piling empleyado mula sa ating Pamahalaang Bayan. Layunin ng dalawang araw na pagsasanay na magbigay ng karagdagang kaalaman at gabay upang mas lalong maipatupad ang mga pangkasariang programa, at makabuo ng mga polisiyang inklusibo para sa lahat ng mamamayan.


  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office
  • Courtesy: Gender and Development Office

Courtesy: Gender and Development Office


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng inisiyatibo upang mapalakas ang GAD mainstreaming sa mga programa at serbisyo publiko sa bayan.


Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, muling pinatunayan ng LGU Taytay ang dedikasyong mapagpatuloy na bumuo ng isang komunidad na may paggalang, pagtanggap, at pantay na oportunidad para sa bawat isa.


Maraming salamat po kay Land Management Bureau Director Atty. Emelyne Talabis sa pagimbita at sa pagbibigay ng pagkakataon na patuloy tayong matuto, makapagbahagi ng karanasan, at mapalakas ang ating mga programa para sa gender equality at inclusivity.

header-website.jpg
bottom of page