LGU Atimonan's Lakbay Aral and Benchmarking Activity
- Taytay, Rizal
- Oct 6
- 1 min read

Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang mga kinatawan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Atimonan, Lalawigan ng Quezon para sa kanilang Lakbay-Aral at Benchmarking Activity, na pinagunahan ng Public Employment Service Office (PESO) - Atimonan at Barangay Employment Service Unit (BESU) nitong Oktubre 3, 2025.
Layunin ng pagbisita na magsagawa ng benchmarking upang pag-aralan at matutunan ang mga best practices ng PESO -Taytay, Rizal na kamakailan lamang ay ginawaran bilang Regional Best PESO (1st Class Municipality) ng Department of Labor and Employment (DOLE) - CALABARZON sa ikalawang magkasunod na taon.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Kasama sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA at Konsehal Kristofer Charls Esguerra, sinalubong ng Taytay Public Employment Service Office ang delegasyon mula LGU - Atimonan, sa pangunguna ni Chairperson ng Sangguniang Bayan (SB) Committee on Labor and Employment - Konsehal Rumel L. Verastigue, at ni G. Rizaldy S. Veranga, Department Head ng PESO - Atimoan, Economic Enterprise, at Port Manager.
Ang ganitong uri ng kolaborasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan ay isang hakbang patungo sa mas progresibong serbisyo publiko, kung saan ang tagumpay ng isa ay nagsisilbing inspirasyon sa iba.
Maraming Salamat po sa inyong pagbisita sa Bayang Naka-ngiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.




































































Comments