Land Distribution At Sitio Tapayan


Courtesy: Taytay Public Information Office

Pormal nang inilahad ang 5 hektarya ng lupa na ipamamahagi sa mga residente ng Samahang Masigasig ng Sitio Tapayan Home Owners Association (SAMATHOA), Barangay Sta. Ana.


Matapos ang samut-saring pakikipag-dayalogo at negosasyon sa iba’t-bang ahensya sa bansa sa loob ng tatlumpung taon, ay matagumpay ng maisasakatuparan ang matagal na inaasam ng ating mga kababayan.


Sa unang bahagi ng pamamahagi ng Original Certificate of Title (OCT), ipamamahagi na ang paunang dalawang (2) hektarya, magaganap ito darating na ikatalong linggo ng Enero sa susunod na taon.

Courtesy: Taytay Public Information Office


Tanging Processing of Title fee at Payback taxes ang naging gastos ng mga mapapamahagian ng nasabing lote sa naturang homeowners. Ito ay sa kabila ng kanilang pagpapaunlad, pagpapaganda ng kanilang lugar sa loob ng tatlongpung taon na paghihintay.


Lubos nating pinasasalamatan ang ating Pangulo Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi nag atubili na ibigay ang lahat ng tulong upang ito ay maisakasatuparan, kasama sina Senator Bong Go, Usec. Benny Antipodra, PCUP Alvin Feliciano, Chairman Director Eduardo Del Rosario, at Asec. Leira Buan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) – Rizal, APOLA, UPAO, ang ating Punong Bayan George Ricardo Gacula II, Ikalawang Punong Bayan Michell Bermundo at miyembro ng 11th Sangguniang Bayan.


Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng bawat mamamayan ng ating bayan na naging kasangga natin sa laban na ito na magkaroon ng sariling lupa na titirahan ng ating kababayan. Ang pangyayaring ito ay magmamarka sa ating kasaysayan.

Recent Posts
Archive
Featured Posts