top of page

LAB For ALL Caravan


LAB For ALL Caravan in Taytay, Rizal
Courtesy: Taytay Public Information Office

Mapalad ang ating bayan sapagkat isa ito sa napiling pagdausan ng LAB FOR ALL - Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat, hatid ni First Lady Louise Araneta-Marcos na giinanap noong Agosto 7, 2024.


Dinaluhan ito ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Ma'am Mia Ynares (bilang kinatawan ng ating Gov. Nina Ynares), Bokal Jun Cabitac, at ika-12 Sangguniang Bayan. Nakasama rin ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Health (DOH), Municipal Health Office (MHO), at iba pang sangay ng ating Pamahalaang Bayan.



Ang programang ito ay naglalayong makapagbigay ng libreng serbisyo medikal sa mga mamamayan, kabilang ang mga pagsusuri sa laboratoryo, konsultasyon sa mga doktor, at gamot na kinakailangan para sa kanilang kalusugan. Sa pamamagitan ng LAB FOR ALL, magkakaroon ng pagkakataon na makatanggap ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan nang walang bayad, na magdudulot ng malaking benepisyo sa ating komunidad.



Video: Taytay Municipal Health Office


Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng serbisyo ay hindi lamang magpapalakas sa ating sistema ng pangangalagang pangkalusugan kundi magpapalawig din ng ating access sa mga mahahalagang serbisyo para sa lahat ng residente, lalo na sa mga kapus-palad nating mga kababayan. Ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng ating pamahalaan sa pagtulong at pagpapabuti ng kalagayan ng bawat Pilipino.


Maraming Salamat po President Bongbong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos sa pagmamahal at malasakit sa bawat Taytayeño!


Tara na! Smile Taytay!


Comments


header-website.jpg
bottom of page