top of page

La Paz LGU's Benchmark Visit to LGU Taytay, Rizal

  • May 26
  • 2 min read
La Paz LGU's Benchmark Visit to LGU Taytay, Rizal
Courtesy: Taytay Public Information Office

Isang Lakbay Aral ang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng La Paz, Lalawigan ng Tarlac dito sa ating bayan noong Mayo 21, 2026 upang pag-aralan ang mga best practices nito sa makabagong pamamahala, partikular sa paggamit ng teknolohiya sa public service at disaster preparedness.


Pinangunahan ng Management Information System Services (M.I.S.S) at Public Information Offices ang programa, at mainit na sinalubong nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA at Vice Mayor Jan Victor Cabitac ang delegasyon bilang pagpapakita ng suporta sa pagpapalitan ng kaalaman sa lokal na pamahalaan.


Ibinahagi sa mga bisita ang mga makabagong sistema ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, kabilang ang SMILE SAFE TAYTAY Application na nagsisilbing mahalagang kasangkapan para sa mas mabilis at episyenteng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa usapin ng kaligtasan at disaster preparedness.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Tinalakay naman nina Municipal Budget Officer Ms. Jastella Reyes, CPA at Municipal Planning and Development Officer Ms. Ma. Fatima G. Garcia, EnP. ang mga sistemang ginagamit ng pamahalaan upang mas mapabilis at mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko, na nakatuon sa mas episyente, transparent, at data-driven na pamamahala na tumutulong sa mabilis na pagdedesisyon at maayos na implementasyon ng mga programa at proyekto.


Ipinasilip din ng opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction Management sa pangunguna nina Mr. Paul Oliver Domingo at Mr. Mark Jayson Pulumbarit ang state-of-the-art Command Center ng ating bayan na nagsisilbing sentro ng monitoring, coordination, at agarang aksyon sa panahon ng emergency at iba’t ibang sitwasyon.


Sa ikalawang araw ng kanilang pagbisita, matagumpay na isinagawa ng I.T. team ng La Paz, Tarlac LGU katuwang si SINAGTECH OSP Maintenance Officer Mr. Ronald Bravante ang isang pagsasanay na ginanap sa MDRRMO - Taytay Command Center upang higit pang mapalalim ang teknikal na kaalaman at mapahusay ang kahusayan sa operasyon.



Courtesy: From the Desk of the Municipal Mayor Venus Jordan


Sa kabuuan, naging makabuluhan ang lakbay aral bilang pagkakataon upang mapalalim ang ugnayan ng La Paz LGU at Taytay LGU at maipakita ang Bayan ng Taytay bilang huwaran sa paggamit ng makabagong teknolohiya tungo sa mas ligtas, maayos, at episyenteng pamamahala para sa mamamayan.


Maraming salamat sa Pamahalaang Bayan ng La Paz, Lalawigan ng Tarlac sa pagpili sa Bayan ng Taytay bilang huwaran at ehemplo ng makabagong pamamahala.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page