top of page

KCare Early Childhood Care and Education Program

Courtesy: Taytay Public information Office
Courtesy: Taytay Public information Office

Learning made easier, brighter and more exciting!


Nagkaroon ng kolaborasyon ang Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) at Federation of Indian Chambers of Commerce (Philippines), Inc. (FICCI) kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal para sa KCare Early Childhood Care and Education Training Program na ginanap ngayong Nobyembre 26–28, 2025 sa Rizal Civic Center.


Nilalayon nito na palakasin ang quality learning at human development, lalo na sa mga bata sa kanilang unang yugto ng pagkatuto. Dahil naniniwala ang FICCI at KCFI na ang edukasyon ang susi sa mas inklusibong pag-unlad ng bansa. Dumalo rin sa programa si Committee Chair on Social Service Konsehal Joan Calderon na nagbigay ng mensahe, at suporta sa pagkakaroon ng mas maayos at mas inklusibong edukasyon para sa kabataan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Napili ang ating bayan bilang pilot site para sa proyektong ito na saklaw ang isang batch ng KCare Program para sa 10 CDC communities sa ating bayan. BIlang bahagi ng programa, nagkaloob ang KCFI ng 10 learning portals na may kumpletong learning materials upang suportahan ang pagkatuto ng mga batang Taytayeño.


Kasabay nito, isasagawa rin ang training para sa Child Development Workers (CDWs), Barangay Council for the Protection of Children (BCPC), Barangay Health Workers (BHW), at Barangay Nutrition Scholars (BNS) upang mas mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbibigay-serbisyo sa maagang edukasyon at pangangalaga ng bata.


Ating patuloy na itaguyod ang pag-unlad ng mga bata sa pamamagitan ng kalidad na edukasyon at makabuluhang kaalaman.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page