top of page

Kalusugan Caravan / Birthday Mission

  • Sep 5, 2025
  • 1 min read
Kalusugan Caravan / Birthday Mission
Courtesy: Taytay Public Information Office

Dahil nais ng ating Punong Bayan Hon. Allan Martine De Leon, MPA na maging malusog, pampered at masaya ang bawat Taytayeño, idinaos nitong Septyembre 4, 2025 ang espesyal na Kalusugan Caravan na ginanap sa Taytay Recreation Center, New Taytay Public Market bilang bahagi ng kaniyang birthday mission para sa ating mga kababayan!


Nagkaroon ng libreng laboratory tests, medical consultation, haircut, reflexology, manicure.



Courtesy: Mayor Allan De Leon & Taytay Public Information Office


Kasama natin ating mga kawani mula sa Municipal Health Office (MHO), HJVZ Emergency Hospital, mga manikurista, massage therapist, haircut stylist, at iba pa. Nakakatuwa at narinig din natin ang mga message ng ating mga kababayan! Basta para sa kalusugan, tuloy-tuloy natin isasaayos at magsasagawa ng mga programa.


Dahil para kay Mayor Allan, ang pinakamagandang regalo sa kanyang kaarawan ay ang kalusugan at ngiti ng bawat Taytayeño!


Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi upang maging matagumpay ang programang ito para sa mas healthy at nakangiting Taytay! Asahan niyo po na sa pagtutulungan ng buong Pamahalaang Bayan ng Taytay, maihahatid po natin ang kalidad na serbisyong medikal para sa lahat!



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page