top of page

Pagpapanatili ng Malinis na Sapa: Hakbang Tungo sa Ligtas na Komunidad at Mas Luntian Taytay

  • May 20
  • 1 min read
Courtesy Taytay Public Information Office
Courtesy Municipal Engineering Office / Taytay Public Information Office

Samu’t-saring basura ang nahakot ng Municipal Engineering Office – Flood Control Section nitong nakaraang, Mayo 19, 2026 matapos magsagawa ng Creek Clean-Up Operation sa R. Valle Creek sa Barangay Dolores at pagpapatuloy sa Dividend Creek sa Barangay San Juan.


Layunin ng nasabing operasyon na mapanatili ang kalinisan at maayos na daloy ng mga sapa upang maiwasan ang posibleng pagbaha, lalo na sa panahon ng tag-ulan.



Courtesy Municipal Engineering Office / Taytay Public Information Office


Muli nitong pinapaalala na hindi matatapos ang suliranin sa basura kung hindi magsisimula sa bawat isa ang simpleng solusyon — disiplina at tamang pagtatapon ng basura.


Maraming salamat sa ating mga kawani na kahit umulan ay patuloy na masigasig sa pagtupad ng tungkulin para mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating bayan.





Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page