top of page

Joint Clean-Up Operations Ahead of Undas 2026

Oct 19
1 min read
  • Courtesy: Taytay Public Information Office

Courtesy: Taytay Public Information Office

Sa nagdaang mga araw, tuloy-tuloy ang isinasagawang declogging operations ng Municipal Engineering Office (MEO) - Flood Control Section sa ating bayan upang maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na sa maaring maranasang pabagu-bagong lagay ng panahon. Bahagi rin ng kanilang patuloy na operasyon ang paglilinis ng Taytay Public Cemetery bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Katuwang ang General Services Office, nagsagawa rin ang Flood Control Section ng malawakang paglilinis sa Taytay Public Cemetery upang matiyak na malinis, maayos, at ligtas ang pampublikong sementeryo para sa mgamamamayang bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa panahon ng Undas.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan sa mga adhikain na maghatid ng maagap, maayos, at nakangiting serbisyo publiko sa pamamagitan ng mga programang nakasentro sa kaligtasan, kalinisan, at kapakanan ng bawat Taytayeño.

header-website.jpg
bottom of page