top of page

JobStart Philippines MOA Signing Ceremony

JobStart Philippines MOA Signing Ceremony
Courtesy: Taytay Public Information Office

Pormal na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang JobStart Philippines dito sa ating bayan nitong nakaraang Hulyo 4, 2025 sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) Signing Ceremony na ginanap sa Taytay Municipal Hall.


Ang JobStart Philippines Program ay naglalayong tulungan ang mga kabataang Pilipino upang mapabuti ang kanilang kakayahan at kahandaan sa pagpasok sa trabaho. Sa pamamagitan ng mga pagsasanay, life skills training, technical skills development, at employer-matched internships, binibigyan ng programang ito ang mga kabataan ng mas mataas na tsansang makahanap ng maayos at angkop na trabaho. Nakatuon ang pagsasanay sa industriya ng garments, bilang tugon sa pangangailangan ng ating bayan sa lumalagong apparel industry.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Pinangunahan ang seremonya ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, kasama sina DOLE Regional Director Atty. Erwin N. Aquino, DOLE Rizal Provincial Head Ms. Celia G. Ariola, at Taytay Public Employment Service Office (PESO) Head Ms. Gina De Leon-Pineda. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Jenny’s Garments Inc. at Frankhaus International Corporation, na opisyal na magiging katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Taytay at DOLE sa pagpapatupad ng nasabing programa.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Allan ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa programa, at binigyang-diin ang pagsuporta ng Bayan ng Taytay na palakasin ang kapakanan ng kabataan at itaguyod ang patuloy na pag-unlad ng industriya ng garments sa bayan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Sa dulong bahagi ng programa, kinilala rin ng DOLE-CALABARZON ang Public Employment Service Office (PESO) Taytay bilang Best PESO in CALABARZON, bilang pagkilala sa mahusay na implementasyon ng mga programa, dedikasyon sa serbisyo-publiko, at aktibong pakikipagtulungan sa iba't ibang sektor para sa kapakanan ng mamamayan.


Ang parangal na ito ay isang malaking karangalan para sa Pamahalaang Bayan ng Taytay, at nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyong may ngiti sa larangan ng pag-eempleyo at kabuhayan.


Lagi't lagi para sa Diyos, Bayan at Kababayan.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page