Job Fair Local Employment

Magkakaroon ng Job Fair ang ating Public Employment Service Office (PESO) ng ating pamahalaang bayan sa darating na Biyernes, April 29, 2022, mula 9:00 AM - 3:00 PM sa Activity Area, Waltermart Supermalls, Ortigas Avenue Extension, Barangay San Isidro, Taytay, Rizal.
Para sa mga walang trabaho at kasalukuyang naghahanap, ito na ang tamang pagkakataon para sa inyo dahil hangad natin na "Bawas Tambay sa Taytay. Bawat Bahay may Hanapbuhay."

Para sa mga katanungan, maaring tumawag sa PESO sa mga contact information na nakalagay sa ibaba:
Contact Number: 8 284 4791
Email Address: peso@taytayrizal.gov.ph
Maaring rin bisitahan ang Public Employment Service Office - Taytay, Rizal Facebook page para sa job openings at oportunidad.