Iwas Sunog, Iwas Panganib: Fire Prevention Month 2026
- 6 days ago
- 1 min read

Hindi kailanman inaasahan ang sunog — pero maaari itong maiwasan.
Ngayong Fire Prevention Month, pinaigting ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal at Bureau of Fire Protection (BFP) ang kampanya kontra sunog upang paalalahanan ang bawat mamamayan na ang isang maliit na kapabayaan ay maaaring magdulot ng malaking panganib sa buhay, tahanan, at kabuhayan. Ang sunog ay maaaring maiwasan kung ang bawat isa ay kikilos at makikiisa.
Ang kaligtasan ay hindi ipinagpapaliban at hindi rin ipinauubaya sa iba. Nasa ating mga kamay ang unang depensa laban sa sunog. Katuwang ang Bureau of Fire Protection, patuloy ang isasagawang information drives, at emergency preparedness activities sa iba’t ibang bahagi ng ating bayan.
Sa pag-iwas sa sunog, buhay at ari-arian ang ating pinoprotektahan.
Sama-sama tayong maging handa, maging alerto, at maging bahagi ng solusyon.








































Comments