top of page

Integrated Information Campaign on W.A.S.H., Deworming and Nutrition


Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Pinangunahan ng Taytay Nutrition Office, katuwang ang Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) CALABARZON at Sta. Elementary School, ang matagumpay na pagsasagawa ng Integrated Information Campaign on Water, Sanitation and Hygiene (W.A.S.H.), Deworming, and Nutrition nitong Septyembre 16, 2025 sa nasabing paaralan.


Dumalo at nagbigay-suporta sa nasabing inisyatiba sina Committee on Health Chairperson Councilor Rulf Marius Valera at Councilor Kristofer Charls Esguerra, bilang patunay ng kanilang pagtutok sa mga programang pangkalusugan.


Layunin ng programang ito na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang tungkol sa kahalagahan ng wastong paghuhugas ng kamay, regular na deworming, at tamang nutrisyon—mga salik na nagsisilbing pundasyon ng isang malusog at masiglang pangangatawan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Sa pamamagitan ng interactive na pagtuturo, ipinaliwanag ang tamang paraan ng handwashing, mga benepisyo ng regular na deworming upang maiwasan ang parasitic infections, at ang kahalagahan ng wastong nutrisyon para sa maayos na paglaki ng mga bata.


Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa rin ang sabayang pagpupurga para sa mga mag-aaral upang maprotektahan sila laban sa banta ng bulate at iba pang parasitiko. Ang deworming ay ang proseso ng pagbibigay ng gamot na nag-aalis o pumipigil sa pagdami ng mga bulate sa tiyan o bituka na maaaring makaapekto sa kalusugan at pag-unlad ng mga bata.


Sa kabuuan, ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Taytay na maisulong ang mga makabuluhang programang pangkalusugan na nakatuon hindi lamang sa pisikal na kalinisan at nutrisyon, kundi pati na rin sa pangangalaga at proteksyon ng susunod na henerasyon.


Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page