Ocular Inspection of the Rizal Provincial Hospital System


Courtesy: Mayor Joric Gacula

Personal na binisita ni Governor Rebecca “Nini” Ynares, Hon. George Ricardo Gacula II at ang ating Provincial at Municipal Engineering Offices ang Rizal Provincial Hospital System – Taytay Annex, para inspeksyunin ang status ng konstruksyon nito.


Sa bagong ospital na ito, mas mabibigyang prayoridad ang mga medikal na pangangailangan ng ating mga kababayang Taytayeño. Malaking bagay ito dahil hindi na nila kailangang dumayo sa ibang bayan para magpaospital.


Courtesy: Mayor Joric Gacula


Sa kasalukuyan, nasa 60% na ang nagawa sa ating bagong hospital hudyat kung saan kinakabit na ang plastering, roofing at sewage treatment plan (STP) nito.


Inaasahan po natin na makita ang kabuuan ng provincial ospital sa katapusan ng Mayo.


Labis ang ating pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa panguguna ni Governor Ynares, para sa pagkakaloob ng bagong ospital dito sa ating bayan.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts